Matagumpay na "Unang Kongreso ng Masa para sa Malampaya"

Ang Malampaya People's Watch Volunteers ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta upang maging matagumpay ang UNANG KONGRESO NG MASA PARA SA MALAMPAYA na ginanap sa Holy Trinity College noong December 4, 2008.

Inaasahan po namin na katulong namin kayo sa patuloy na pagbabantay sa pera ng Malampaya upang ito ay magamit ng tama. Nais din po naming ipaalam sa inyo na ang layunin ng aming grupo ay hindi pultika at walang sinumang pulitiko sa likod nito. Ang mga nagsusulong nito ay mga mahihirap na Palawenyo, mga guro, karaniwang kawani ng pamahalaan, kababaihan, magsasaka, mangingisda, drayber, negosyante at mga taong nagmamahal sa Palawan. Ang sinumang pulitiko o tao na magtatangka na gamitin ang grupo para sa personal na interes ay mapapahiya lamang at kukundinahin ng grupo.

Simple lamang ang nais ng Malampaya People's Watch Volunteers para sa mga Palawenyo....

- Libreng gamot at duktor sa lahat ng ospital ng Gobyerno
- Upgrading ng mga ospital sa buong Palawan (pagbili ng mga makabagong gamit, CT-Scan, MRI at iba pa)
- Karagdagang duktor at nurses sa mga ospital ng Gobyerno
- Kabuhayan sa bawat Palawenyo
- Financial subsidy sa lahat ng estudyanteng Palawenyo at hindi Scholarsship sa mga kakampi lamang ng mga pulitiko
- Allowances o subsidy sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaan (Guro, Pulis, Sundalo, Health Workers at iba pa)




Ang Malampaya People's Watch Volunteers ?

Ang Malampaya Peoples’ Watch Volunteers (MPWV) ay isang malaya at pribadong samahan na ang pinakapangunahing layunin ay ang mahigpit na subaybayan ang pagsasakatuparan ng mga programa at proyektong galing sa pondo ng “Malampaya royalties”. Dagdag din dito ang pag-udyok sa pamahalaang panlalawigan na bigyang-pansin ang proyekto at programang pangkabuhayan upang magampanan ang pangakong wala ni isang Palaweño ang makararanas ng kahirapan.

Ito ay boluntaryong samahan ng mga Palaweño sa pamamagitan ng paghihikayat sa bawat isa na makilahok sa ganitong pagkilos upang sama-samang makamit ang tagumpay tungo sa kaunlaran ng Palawan. Ang paninindigan ng samahang ito ay ang paniniwalang ang bawat isa ay may tungkuling ginagampanan para sa kapakanan ng sambayanan. Ang mga miyembro nito ay may paninindigang ang pamahalaan ay may pamumunong hayag o lantad ang layunin sa mga sinasakupan at may pananagutan sa bawat isa.

Bisyon : Hikayating kumilos ang mga mamamayan ng Palawan upang masiguro ang pantay na benepisyo ng bawat isa galing sa “Malampaya royalties” at aktibong makilahok sa pagbalangkas ng mga proyekto at programang pangkaunlaran ng lalawigan.

Mga Adhikain :

Mapalago ang kamalayang boluntaryong pagkilos sa pamamagitan ng panlipunang pakikilahok sa mahigpit na pagsubaybay sa pagpapatupad at pagsasakatuparan ng mga programa at proyektong galing sa pondo ng “Malampaya royalties.”

Maiangat ang antas ng kaalaman at mapahalagahan ang mga isyung napapatungkol sa mga programa at proyektong binabalangkas ng pamahalaang panlalawigan gamit ang pondo galing sa “Malampaya share.”

Maipamulat sa mga namumuno sa pamahalaang panlalawigan na bigyan ng kaukulang prayoridad ang mga pangunahing lingkurang panlipunan at mga programang pangkabuhayan bilang pagtugon sa lumalaganap na kahirapan sa lalawigan.

Makapagbuo ng iba’t ibang samahan ng mga maliliit na sektor ng lipunan at hikayating tukuyin ang kanilang mga pangunahing pangangailangan upang makapagsumite ng plano sa pamahalaang panlalawigan para sa pantay at makatarungang benepisyo galing sa “Malampaya royalties”.

Masuportahan ang apatnapung (40) porsyentong bahagi ng lalawigan na galing sa kinikita ng Malampaya na hanggang sa ngayon ay kasong nakabinbin sa Korte Suprema.


Ano nga ba ang "Malampaya Natural Gas" Project ?

Ang bansang Pilipinas ay may kakulangan sa suplay ng langis at “natural gas”. Sa katunayan, ito ay umaangkat ng langis sa ibang bansa upang matugunan ang pangangailangan nito. Upang makamit ang pamamaraan na magkaroon ng sapat na suplay, isa sa mga estratehiya ay itaas ang reserba ng langis at “natural gas” ng may higit na 20% at maibaba ang pag-angkat nito ng 20%.

Ang kabuuang konsumo ng langis sa ating bansa ay galing sa paggamit ng “hydrocarbons”.Ang kalimitang paggamit ng langis ay tinatayang nasa 53%, kasunod nito ay ang paggamit ng “coal” na nasa 19%. Ang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya ay nasa 15% konsumo, kasunod ang paggamit ng “natural gas” at “hydroelectric” na nasa 7% at 6% bawat isa.

Ayon sa Planong Pang-enerhiya noong 2005 sa ilalim ng pamahalaang Arroyo, ito ay seryosong nakatuon ang pansin sa layuning mabawasan ang pag-angkat ng langis sa taong 2010. Ang planong ito ay nagpapahayag na sa taong 2005 hanggang 2014, ang pangangailangan sa enerhiya ay tataas ng 4.7% bawat taon.

Upang makamit ang ganitong mithiin, ang pinaka-epektibong paraan ay itaas ang produksyon ng langis at “natural gas” ng 20% at ibaba ang pag-angkat ng “coal” ng 20%.Ang pinakapangunahing tugon sa problema ay ang “natural gas” na makukuha sa Malampaya. Ito ay pinaniniwalaang may 2.3 hanggang 4.4 TscF (Trillion standard cubic feet) na reserba ng “natural gas” at merong 85 milyong bariles ng “condensate” na kayang magpatakbo ng 3,000 megawatts (MW) ng enerhiya sa kapuluan ng Luzon sa loob ng dalawampung taon.

Ang proyekto ng Malampaya ay opisyal na binuksan noong Oktubre 16, 2001 at pinamamahalaan ng Shell (45% stake), Chevron (45%) at PNOC (10%).Ang mga kompanyang ito ng langis ay sama-samang naglikom ng $4.5 bilyon upang ganap na masimulan ang operasyon ng Malampaya. Ang proyektong ito ay ang pinakamalaking nailunsad sa kasaysayan ng Pilipinas at isa sa pinakamalaking pinondohan ng mga dayuhang namumuhunan sa ating bansa.

Ang “natural gas” sa Malampaya ay dumadaloy sa 312-milyang tubo patungo sa tatlong “Power plants” ng Batangas na pinapatakbo ng 2,700 megawatts(MW) habang ang mga “condensate” ay iniluluwas sa mga bansang Thailand, Singapore, China at iba pang mga bansa sa Asya.Ang proyektong “Camago-Malampaya” ay matatagpuan na may layong walumpung (80) kilometro sa labas ng karagatan ng Hilagang-Silangan ng Palawan malapit sa karagatan ng Timog Tsina.

Ang nasabing proyekto ay nagsimula sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “service contract” sa ilalim ng Kagawaran ng Enerhiya na nilagdaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Shell Philippines Exploration kasama ang Occidental Philippines noong Disyembre 11, 1990 para sa eksklusibong kontrata sa pamamahala ng ganap na operasyon ng proyekto.Ang pagtuklas ng reserba ng langis sa Malampaya ay pinaniniwalaang makalilikom nang mahigit kumulang walo (8) hanggang sampung bilyong US $ para sa kaban ng bansang Pilipinas.


Mga Proyektong Pinaglaanan ng Malampaya Share

Mas binigyang pansin ang mga Dambuhalang "infrastructure projects" (Airports, kalsada, gusali)kaysa Kabuhayan, Kalusugan at Edukasyon ng mga Palawenyo

Ang pamahalaang panlalawigan ay nagpalabas ng talaan ng mga iba’t ibang proyekto galing sa 2.6 bilyong piso “Malampaya royalties” sa ilalim ng 4.5 bilyong dolyar na “Malampaya Natural Gas Project” sa Palawan.

Ang iminungkahing talaan ng mga proyekto ay ipinalabas sa bisa ng “Special Allotment Release Order (SARO)” na ipinalabas ng “Department of Budget and Management” na nagsasaad ng paggamit ng P2.6 bilyong pondo galing sa “Malampaya royalties.”Ang nasabing pagpapalabas ng SARO ay ayon sa “Executive Order” na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong nakaraang Disyembre.

Sa kabuuang P2.6 bilyong pondo, 966 milyong piso ay napunta sa pamahalaang panlalawigan, 816 milyong piso ay napunta sa Unang Distrito ng Palawan sa pamumuno ni Rep. Antonio Alvarez, 556 milyong piso ay napunta sa Ikalawang Distrito ng Palawan sa ilalim ng pamumuno ni Rep. Abraham Mitra at ang nalalabing 270 milyong piso ay nakalaan sa pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa ilalim ni Mayor Edward S. Hagedorn. May karagdagang anim na milyong piso ang inilaan ng pamahalaang nasyonal upang gugulin sa pagpapagawa ng pangunahing imprastraktura sa lalawigan.

Ang mga naitalang proyekto para sa Unang Distrito ng Palawan ay ang mga sumusunod:·

Paliparan ng San Vicente na may halagang P300 milyon· Pagpapaayos ng daan papunta sa paliparan ng Coron at daan patungong piyer ng Taytay(P100 milyon)·
Pagpapagawa ng daan sa Taytay: Comalibongbong-Calawag (P50 milyon)· Dumaran:Pagpapasemento/Pagsasaayos ng daan sa Sta. Maria - Sta. Teresita at daan sa Culion: Binundac-Malaking Patag (P36 milyon)· “Water System Development” sa munisipyo ng Roxas (P100 milyon)· Pagpapagawa ng mga Paaralan (P160 milyon)· Pagpapagawa ng Gusaling Ehekutibo-Lehislatura sa Magsaysay(P5 milyon)· Pagpapagawa ng Gusaling Pang-Lehislatura sa Araceli(P7 milyon)· Pagsasaayos ng “National Roads”(P30 milyon)· Pagpapasemento ng daan sa San Jose-Port Barton (P24 milyon)· Pagtaguyod ng SME(Small and Medium Enterprises and Livelihood Resource Center (P4 milyon).

Ang mga iminungkahing proyekto sa pamahalaang panlalawigan ay ang mga sumusunod:·

Cuyo: Pagpapasemento ng daan ng Bancal-Maringan (P11.4 milyon)·
Culion: Pagpapagawa ng daan ng Binudac-Malaking Patag(P16 milyon)·
Coron: Pagpapasemento ng daan patungong paliparan ng YKR (P50 milyon)·
Pagpapasemento ng daan sa Junction Provincial (P50 milyon)· “Coron Bay Reclamation Project, Phase 2” (P50 milyon)· “Coron Bay Coastal Road Project” (P50 milyon)·
Pagpapagawa ng kongkretong daan(P4 milyon)· Pagpapasemento ng daan ng Dinagpan-Dipulao (P31 milyon)· Dumaran:
Pagpapasemento ng daan ng Sta. Maria-Sta. Teresita (P20 milyon)·
Pagsasaayos ng daan sa Dumaran-Araceli (P12 milyon)· El Nido:
Pagsasaayos ng daan sa Bagong Bayan-Bebeladan (P21 milyon)·
Roxas at San Vicente:
Pagpapasemento ng daan sa San Jose-Port Barton(P25 milyon)·
Aborlan:Pagpapasemento ng daan sa Plaridel-Tigman (P30 milyon)·
Narra:Pagsasaayos ng Narra Avenue (P13.7 milyon)· Española: Pagsasaayos ng daan sa Pulot III-Tabud (P14.2 milyon)·
Quezon:Pagsasaayos ng daan sa Highway Junction-Tabud-Panitian(P10.7 milyon)·
Pagpapaayos ng Gusaling Pang-lehislatibo ng Kapitolyo(P30 milyon)·
“Barangay Convergence Program” gaya ng “waiting sheds” at “multi-purpose halls”(P69 milyon)

Para sa Ikalawang Distrito ng Palawan, ang mga proyektong isinasakatuparan ng “Department of Public Works and Highways” ay ang mga sumusunod:·

Pagpapaayos ng “Palawan Circumferential Road” (Rio-Tuba-Sumbiling Section)· Pagpapaayos ng “Circumferential Road” (Sumbiling-Puring Section)· Pagpapagawa ng “Circumferential Road (Puring-Buliluyan Port Section)”· Pagpapaayos ng “Culandanum-Panalingaan Cross Road(Culandanum-Panalingaan Cross Road)”· Pagpapagawa ng daan sa Quezon-Punta Baja· Pagpapagawa ng “Llabugan Bridge (Aramaywan-Berong PPR)”sa Quezon· Pagpapaayos ng daan sa Aramaywan-Berong· Pagpapagawa ng daan sa Quezon-Punta Baja· Pagpapaayos ng daan sa Quezon-Punta Baja (Intermittent Section)· Pagpapaayos ng daan sa Quezon-Punta Baja· Pagpapagawa ng Palawan Cicumferential Road(Rizal-Panalingaan Section-Intermittent Section)· Pagpapaayos ng “Circumferential Road (Tagbita-Latud section)”· Pagpapagawa ng “Circumferential Road (Tagbita-Latud Section)”· Pagpapagawa ng “Circumferential Road (Tagbita-Latud Section)”· Pagpapaayos ng “Quezon Aramaywan Road”· Pagpapagawa ng “Quezon-Punta Baja Road (Intermittent Section)”· Pagpapaayos ng “Quezon-Aramaywan Road”Isinaalang-alang din ang pagpapagawa ng mga paaralang pang-elementarya at sekundarya sa halagang P74,000,000 at P26,000,000.

Ang pamahalaang panlungsod ay may bahaging P270 milyon na ilalaan sa pagpapagawa ng imprastraktura.Sa kabuuang P270 milyon, P120 milyon ay inilaan sa pagpapasemento ng 130-kilometrong daan patungong Puerto Princesa Subterranean River National Park na kung saan matatagpuan ang tanyag na 8.2 kilometrong Underground River na dinadayo ng mga dayuhan.Ang lugar na ito ay isa sa pinakatanyag na tanawin na dinadayo ng mga turista.Dalawampung milyong piso ang inilaaan para sa pagpapagawa at pagpapaayos ng daungan ng Sitio Sabang, Barangay Cabayugan; pagpapaayos ng baybayin ng Barangay Mandaragat (40 milyon); proyektong paglalagay ng kuryente sa mga barangay(P20 milyon); paglalagay ng “aircondition” sa “City Coliseum” (20 milyon);paglalaan ng “relocation sites” (P15 milyon);pagpapasemento ng daan sa Barangay San Jose malapit sa bagong pamilihang bayan (9.8 milyon);pagpapatuloy ng pagpapagawa ng daan sa lumang pamilihang bayan (P6.2 milyon); “waste water recycling and treatment facility” sa baywalk (P5.5 milyon); pagpapaayos ng mga paaralan sa iba’t ibang barangay (6.5 milyon); pagpapasemento ng daan sa mga kalye ng Valencia at H. Mendoza (P3 milyon);pagpapaayos ng daan sa San Juan sa Barangay San Miguel (P4 milyon).


No posts.
No posts.